13. Ako ang tumawag kay Ciro upang isagawa ang aking layunin at isaayos ang lahat ng bagay.Aking tutuwirin ang kanyang daraanan;muli niyang itatayo ang Jerusalem na aking lunsod,at kanyang palalayain ang aking bayan.Walang sinumang nagbayad o nanuhol sa kanya upang ito'y isagawa.”Ang Makapangyarihang si Yahweh ang nagsabi nito.
14. Ang sabi ni Yahweh sa Israel,“Mapapasaiyo ang kayamanan ng Egipto at Etiopia.Magiging alipin mo ang matatangkad na lalaki ng Seba;sila'y magiging sunud-sunuran sa iyo.Yuyukuran ka nila at sasabihin:‘Sumasaiyo ang Diyos, siya lamang ang Diyos at wala nang iba pa.’”
15. Ang Diyos ng Israel ang Tagapagligtas ng kanyang bayan;mahiwaga siya kaya hindi kayang unawain.
16. Hahamakin at mapapahiyaang lahat ng gumagawa ng mga diyus-diyosan.