8. Sinabi ni Yahweh,“Paharapin ninyo sa akin ang aking bayan.Sila'y may mga mata ngunit hindi nakakakita,may mga tainga ngunit hindi nakakarinig.
9. Tawagin ang mga bansa sa panahon ng paglilitis.Sino sa kanilang diyos ang makakahula sa mangyayari?Sino sa kanila ang nakahula sa nangyayari ngayon?Bayaan silang magharap ng mga saksipara patunayan ang kanilang sinasabiat patunayang sila ay tama.
10. Bayang Israel, ikaw ang saksi ko,pinili kita upang maging lingkod ko,upang makilala mo ako at manalig ka sa akin.Walang ibang Diyos maliban sa akin,walang nauna at wala ring papalit.
11. Ako ay si Yahweh, wala nang iba pa;walang ibang Tagapagligtas, maliban sa akin.
12. Noong una pa man ako'y nagpahayag na.Ako ang nagligtas sa iyo, at ang nagbalita ng lahat ng ito.Noon ay wala pa kayong kinikilalang ibang diyos;kayo ang mga saksi ko.
13. Ako ang Diyos at mananatili akong Diyos magpakailanman,walang makakatakas sa aking kapangyarihan;at walang makakahadlang sa aking ginagawa.”
14. Sinabi pa ni Yahweh,ang Tagapagligtas, at Banal na Diyos ng Israel:“Magpapadala ako ng hukbo laban sa Babilonia alang-alang sa iyo.Gigibain ko ang mga pintuan ng kanyang lunsodat mauuwi lamang sa iyakan ang kasayahan ng mga tagaroon.
15. Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na Banal,ang Hari ng Israel na sa iyo'y lumalang!
16. Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na siyang gumawa ng daan sa gitna ng dagat,upang maging kalsadang tawiran.
17. Siya ang nanguna upang malupig ang isang malaking hukbo.Nilipol niya ang kanilang mga kabayo.At ang kanilang mga karwahe'y winasak;sila'y nabuwal at hindi na nakabangon;parang isang ilaw na namatay ang dingas.”
18. Ito ang sabi niya:“Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa,ang mga nangyari noong unang panahon.
19. Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay;ito'y nagaganap na, hindi mo pa ba makita?Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto,at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito.