Isaias 42:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Sinabi ni Yahweh,“Narito ang lingkod ko na aking hinirang;ang aking pinili at lubos na kinalulugdan;ibinuhos ko sa kanya ang aking Espiritu,at siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa.

2. Hindi siya makikipagtalo o makikipagsigawan,ni magtataas ng boses sa mga lansangan.

3. Ang marupok na tambo'y hindi niya babaliin,ilaw na aandap-andap hindi niya papatayin;katarungan para sa lahat ang kanyang paiiralin.

4. Hindi siya mawawalan ng pag-asa o masisiraan ng loob,hangga't katarungan ay maghari sa daigdig;ang malalayong lupain ay buong pananabik na maghihintay sa kanyang mga turo.”

Isaias 42