Isaias 33:4-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Ang ari-arian nila'y nalilimas,parang pananim na dinaanan ng balang.

5. Dakila si Yahweh! Ang trono niya'y ang kalangitan,maghahari siya sa Zion na may katarungan at katuwiran.

6. Siya ang magpapatatag sa bansa,inililigtas niya ang kanyang bayan, at binibigyan ng karunungan at kaalaman;ang pangunahing yaman nila, si Yahweh'y sundin at igalang.

7. Ang matatapang ay napapasaklolo,ang mga tagapamayapa ay naghihinagpis.

8. Sapagkat wala nang tao sa mga lansangan,mapanganib na ang doo'y dumaan.Mga kasunduan ay di na pinahahalagahan,at wala na ring taong iginagalang.

9. Ang tuyong lupa'y parang nagluluksa,ang kagubatan ng Lebanon ay nalalanta;naging parang disyerto na ang magandang lupain ng Sharon;gayundin ang Bundok ng Carmel at ang Bashan.

Isaias 33