13. Ito ang pahayag tungkol sa Arabia:Kayong manlalakbay na mga taga-Dedan,na nakahimpil sa mga disyerto ng Arabia,
14. bigyan ninyo ng inumin ang mga nauuhaw.Kayo naman, mga taga-Tema,salubungin ninyo at pakanin ang mga bihag.
15. Sila'y tumatakas sa mga espadang nakaamba,sa panang nakahanda,at sa panganib na dulot ng digmaan.
16. Ganito ang sabi sa akin ni Yahweh: “Sa loob ng isang taon, ayon sa pagbilang ng upahang manggagawa, magwawakas ang kadakilaan ng Kedar.