Isaias 21:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ito ang pahayag tungkol sa Babilonia.Parang ipu-ipong humahagibis mula sa disyertoang manlulupig ng Negeb mula sa isang nakakapangilabot na lupain.

2. Nakita ko ang isang pangitaing puno ng kalupitan,kataksilan, at pagkawasak.Sugod, Elam!Sakupin mo, Media.Wawakasan ko naang ginawang pagpapahirap ng Babilonia.

3. Dahil dito, nakadama ako ng matinding takot,namilipit ako sa sakittulad ng isang babaing nanganganak;ako'y nakayuko kaya hindi makarinig,ako'y nalilito kaya hindi makakita.

4. Pinanghihinaan ako ng loob, nangangatal ako sa takot;ang pananabik ko sa takipsilimay naging isang pagkasindak.

Isaias 21