Isaias 2:5-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Halina kayo, sambahayan ni Jacob,lumakad tayo sa liwanag ni Yahweh.

6. Itinakwil mo ang lahi ni Jacob na iyong bayan,sapagkat ang lupain ay punô ng mga salamangkero mula sa silanganat ng mga manghuhula gaya ng mga Filisteo;nakikibagay sila sa kaugalian ng mga dayuhan.

7. Sagana ang kanilang lupain sa ginto at pilak,at walang pagkaubos ang kanilang kayamanan.Sa buong lupai'y maraming kabayo,at hindi mabilang ang kanilang mga karwahe.

8. Punô ng diyus-diyosan ang kanilang bayan;mga rebultong gawa lamang, kanilang niyuyukuran,mga bagay na inanyuan at nililok lamang.

9. Kaya ang mga tao ay hahamakin at mapapahiya;huwag mo silang patatawarin!

10. Magtatago sila sa mga yungib na bato at sa mga hukayupang makaiwas sa poot ni Yahweh, at sa kaluwalhatian ng kanyang karangalan.

Isaias 2