Isaias 19:3-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Masisiraan ng loob ang mga Egipcio,at guguluhin ko ang kanilang mga balak,hihingi sila ng tulong sa mga diyus-diyosan,sa mga mangkukulam, sa mga nakikipag-usap sa espiritu ng patay at manghuhula.

4. Ibibigay ko ang Egipto sa kamay ng isang malupit na panginoon;isang mabagsik na hari ang sasakop sa kanila.”Ito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihang Panginoon.

5. Bababaw ang tubig sa Ilog Nilo,at unti-unting matutuyo.

6. Babaho ang mga kanal,ang Ilog Nilo ng Egipto ay mauubusan ng tubig,at matutuyo rin ang mga tambo at mga talahib.

Isaias 19