6. Sasabihin ng mga taga-Juda:“Nabalitaan namin ang kataasan ng mga taga-Moab,ang kanilang kasinungalingan at pandaraya,ngunit walang saysay ang kanilang kayabangan.”
7. Kaya tatangisan ng mga taga-Moab ang kanilang lunsod,sama-sama silang mananaghoydahil sa kanilang paghihirap,sa tuwing maaalala nila ang masasarap na pagkain sa Kir-Hareset.
8. Sisirain ang mga bukiring malapit sa Hesbon,at ang mga ubasan sa Sibma,na pinagkukunan ng alak ng mga pinuno ng mga bansa.Ubasang abot sa Jazerhanggang sa disyerto,at lampas pa hanggang sa kabila ng dagat.
9. Kaya tatangisan kong kasama ng Jazerang mga ubasan ng Sibma.Didiligin ko ng luha ang Hesbon at Elealesapagkat wala silang aanihin upang magsaya ang bayan.