1. Naputol na tulad ng punongkahoy, ang paghahari ng anak ni Jesse.Ngunit katulad ng pag-usbong ng mga bagong sanga sa pinutol na puno, sa lahi niya'y lilitaw ang isang bagong hari.
2. Mananahan sa kanya ang Espiritu ni Yahweh,ang espiritu ng karunungan at pang-unawa,ng mabuting payo at kalakasan,kaalaman at pagsunod at paggalang kay Yahweh.
3. Kagalakan niya ang sumunod at gumalang kay Yahweh.Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita,o magpapasya batay sa kanyang narinig.