1. Huwag kang magalak, Israel!Huwag kang magdiwang tulad ng ibang mga bansa,sapagkat naging tulad ka ng mahalay na babae.Tinalikuran mo ang iyong Diyos at nakipagtalik sa iba-ibang lalaki.Ikinatuwa mong ika'y isang babaing bayaran,kahit saang lugar ika'y sinisipingan.
2. Ngunit ang ginagawa nila sa giikan at sa pisaan ng alak ay hindi nila ikabubuhay,at ang bagong alak ay hindi nila matitikman.
3. Hindi sila mananatili sa lupain ni Yahweh;subalit ang Efraim ay magbabalik sa Egipto,at kakain sila sa Asiria ng mga pagkaing nagpaparumi at ipinagbabawal.
4. Hindi na sila papayagang maghandog ng alak kay Yahweh,at hindi naman siya malulugod sa kanilang mga handog.Ang pagkain nila'y matutulad sa pagkain ng namatayan;magiging marumi ang lahat ng kakain nito.Sapagkat ang pagkain nila'y para lamang sa kanilang katawan;hindi iyon maihahandog sa Templo ni Yahweh.