1. Sinabi ni Yahweh, “Hipan mo ang trumpeta!Dumarating ang isang agila sa bayan ng Diyos,sapagkat sumira sa tipan ang aking bayan,at nilabag nila ang aking kautusan.
2. Tumangis ngayon ang Israel sa akin,‘Tulungan mo kami, sapagkat ikaw ang aming Diyos.’
3. Ngunit tinalikuran na ng Israel ang kabutihan;kaya't hahabulin sila ng kanilang kaaway.
4. “Pumili sila ng mga hari nang wala akong pahintulot;naglagay sila ng mga pinuno, ngunit hindi naman ayon sa aking kagustuhan.Ginawa nilang diyus-diyosan ang kanilang pilak at gintona nagdala sa kanila sa kapahamakan.
5. Kinasusuklaman ko ang guyang sinasamba ng mga taga-Samaria.Napopoot ako sa kanila.Hanggang kailan pa sila mananatili sa karumihan?
6. Ang diyus-diyosang iyan ay mula sa Israel!Ang guyang iyan ay ginawa ng tao, at iya'y hindi Diyos.Ang guya ng Samaria ay magkakadurug-durog.