Hosea 8:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Sinabi ni Yahweh, “Hipan mo ang trumpeta!Dumarating ang isang agila sa bayan ng Diyos,sapagkat sumira sa tipan ang aking bayan,at nilabag nila ang aking kautusan.

2. Tumangis ngayon ang Israel sa akin,‘Tulungan mo kami, sapagkat ikaw ang aming Diyos.’

3. Ngunit tinalikuran na ng Israel ang kabutihan;kaya't hahabulin sila ng kanilang kaaway.

Hosea 8