Hosea 13:1-2 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Noong una, kapag nagsalita si Efraim,ang mga tao ay nanginginig sa takot,sapagkat siya ay pinaparangalan sa Israel.Ngunit nagkasala siya at nahatulang mamatay dahil sa pagsamba kay Baal.

2. Hanggang ngayo'y patuloy sila sa paggawa ng kasalanan.Tinutunaw ang mga pilak at ginagawang diyus-diyosan.Pagkatapos ay sinasabi, “Maghandog kayo rito!At halikan ninyo ang mga guyang ito.”

Hosea 13