Hosea 12:9-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Ako si Yahweh, ang Diyosna naglabas sa inyo sa Egipto;muli ko kayong papatirahin sa mga tolda,gaya nang panahon ng mga itinakdang kapistahan.

10. “Nagsalita ako sa pamamagitan ng mga propeta;at sa kanila'y nagbigay ng maraming pangitain.Maraming talinhaga rin ang sa kanila'y aking itinagubilin.

11. Laganap sa Gilead ang pagsamba sa diyus-diyosan,at lahat ng sumasamba rito'y nakalaang mamatay.Naghahandog sa mga diyus-diyosang toro ang mga taga-Gilgal,at ang mga altar nila'y mawawasakmagiging mga bunton ng bato sa gitna ng kabukiran.”

12. Tumakas si Jacob papuntang Aram,at doo'y nakatagpo ng mapapangasawa.Nagpastol siya roon ng mga tupaupang makamtan ang kamay ng isang dalaga.

Hosea 12