5. Si Yahweh ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat,Yahweh ang kanyang pangalan.
6. Kaya't manumbalik kayo sa Diyos,at mamuhay kayong may pag-ibig at katarungan,patuloy kayong umasa sa kanya.
7. Sinabi ni Yahweh, “Gustung-gusto nilang gamitinang timbangang may daya.
8. Nais nilang apihin ang kanilang kapwa.Sinasabi nila, ‘Ako'y talagang mayaman,nakamtan ko ang kayamanang ito para sa aking sarili.’Ngunit lahat man ng kanyang kayamanan ay hindi sapat,pambayad sa nagawa niyang kasalanan.
9. Ako si Yahweh, ang Diyosna naglabas sa inyo sa Egipto;muli ko kayong papatirahin sa mga tolda,gaya nang panahon ng mga itinakdang kapistahan.
10. “Nagsalita ako sa pamamagitan ng mga propeta;at sa kanila'y nagbigay ng maraming pangitain.Maraming talinhaga rin ang sa kanila'y aking itinagubilin.
11. Laganap sa Gilead ang pagsamba sa diyus-diyosan,at lahat ng sumasamba rito'y nakalaang mamatay.Naghahandog sa mga diyus-diyosang toro ang mga taga-Gilgal,at ang mga altar nila'y mawawasakmagiging mga bunton ng bato sa gitna ng kabukiran.”