Hosea 11:4-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Pinatnubayan ko siya nang buong pagmamalasakitat nang buong pagmamahal.Ang katulad ko'y isang nag-aalis ng busal sa kanilang bibig,at yumuko ako upang sila'y mapakain.

5. “Magbabalik sila sa Egipto,at paghaharian ng Asiria,sapagkat ayaw nilang magbalik sa akin.

6. Lulusubin ng kaaway ang kanilang mga lunsod,wawasakin ang pampinid sa kanilang mga pinto,at lilipulin sila sa loob ng kanilang mga kuta.

7. Ang bayan ko'y nagpasya nang tumalikod sa akin;kaya't sa pamatok sila'y itinakda,at walang sinumang makakapag-alis nito.

8. “Pababayaan ba kita, Efraim?Ikaw ba'y ibibigay ko sa kaaway, Israel?Maitutulad ba kita sa Adma?Magagawa ko ba sa iyo ang aking ginawa sa Zeboim?Hindi ito kayang gawin ng puso ko;kahabagan ko'y nananaig.

9. Hindi ko ipadarama ang bigat ng aking poot;Hindi ko na muling sisirain ang Efraim.Sapagkat ako'y Diyos at hindi tao,ang Banal na Diyos na nasa kalagitnaan ninyo,at hindi ako naparito upang kayo'y wasakin.

Hosea 11