Genesis 9:15-26 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. aalalahanin ko ang aking pangako sa inyo at sa lahat ng hayop. Hindi ko na lilipulin sa baha ang lahat ng may buhay.

16. Tuwing lilitaw ang bahaghari, maaalala ko ang walang hanggang tipan na ginawa ko sa inyo at sa lahat ng may buhay sa balat ng lupa.”

17. At sinabi ng Diyos kay Noe, “Ito ang tanda ng aking pangako sa lahat ng nabubuhay sa lupa.”

18. Ang mga anak ni Noe na kasama niyang lumabas sa barko ay sina Shem, Jafet at Ham na ama ni Canaan.

19. Ang tatlong ito ang pinagmulan ng lahat ng tao sa daigdig.

20. Si Noe ay isang magsasaka at siya ang kauna-unahang nagbukid ng ubasan.

21. Minsan, uminom siya ng alak at nalasing. Nakatulog siyang hubad na hubad sa loob ng kanyang tolda.

22. Sa gayong ayos, nakita siya ni Ham ang ama ni Canaan at ibinalita ito sa kanyang mga kapatid.

23. Kaya't kumuha sina Shem at Jafet ng balabal, iniladlad sa likuran nila at magkatuwang na lumakad nang patalikod patungo sa tolda. Tinakpan nila ang katawan ng kanilang ama. Ayaw nilang makita ang kahubaran ng kanilang ama.

24. Nang mawala na ang kalasingan ni Noe, at malaman ang ginawa ng bunsong anak,

25. sinabi niya:“O ikaw, Canaan, ngayo'y susumpain,sa mga kapatid mo ika'y paaalipin.”

26. Sinabi rin niya,“Purihin si Yahweh, ang Diyos ni Shem,itong si Canaa'y maglilingkod kay Shem.

Genesis 9