1. Hindi nawaglit sa isipan ng Diyos si Noe at ang lahat ng hayop na kasama niya sa malaking barko. Kaya't pinaihip niya ang hangin, at nagsimulang humupa ang tubig.
2. Huminto ang mga bukal at tumigil ang pagbuhos ng ulan.
3. Patuloy na humupa ang tubig, at pagkaraan ng 150 araw ay mababa na ang baha.
4. Sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat noong ikalabimpitong araw ng ikapitong buwan.