Genesis 7:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Sinabi ni Yahweh kay Noe, “Pumasok kayong mag-anak sa barko. Sa lahat ng tao'y ikaw lamang ang nakita kong namumuhay ng matuwid.

2. Magdala ka ng pitong pares sa bawat hayop na malinis, at isang pares naman sa di-malinis.

3. Pitong pares din sa bawat uri ng ibon ang iyong dadalhin. Gawin mo ito upang magpatuloy ang kanilang lahi sa balat ng lupa.

Genesis 7