9. Siyamnapung taon naman si Enos nang maging anak niya si Kenan.
10. Nabuhay pa siya nang 815 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak.
11. Namatay siya sa gulang na 905 taon.
12. Si Kenan naman ay pitumpung taon nang maging anak si Mahalalel.
13. Nabuhay pa si Kenan nang 840 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak.
14. Namatay siya sa gulang na 910 taon.
15. Animnapu't limang taon si Mahalalel nang maging anak si Jared.
16. Nabuhay pa si Mahalalel nang 830 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak.
17. Namatay siya sa gulang na 895 taon.
18. Si Jared ay 162 nang maging anak niya si Enoc.
19. Nabuhay pa si Jared nang 800 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak.
20. Namatay siya sa gulang na 962 taon.
21. Animnapu't limang taon naman si Enoc nang maging anak niya si Matusalem.