Genesis 43:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Lalong tumindi ang taggutom sa Canaan.

2. Nang maubos na ng pamilya ni Jacob ang pagkaing binili sa Egipto, sinabi niya sa kanyang mga anak, “Bumili uli kayo kahit kaunting pagkain sa Egipto.”

3. Sinabi ni Juda sa kanya, “Mahigpit po ang bilin sa amin ng gobernador doon na huwag na kaming magpapakita sa kanya kung hindi namin kasama ang kapatid naming bunso.

4. Kung pasasamahin ninyo siya, bibili po kami ng pagkain doon.

Genesis 43