Genesis 41:37-40 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

37. Nagustuhan ng Faraon at ng kanyang mga kagawad ang panukala ni Jose.

38. Sinabi nila, “Bakit pa tayo hahanap ng iba, samantalang nasa kanya ang Espiritu ng Diyos?”

39. Kaya't sinabi ng Faraon kay Jose, “Ang Diyos ang nagpakita sa iyo ng lahat ng ito, kaya't wala nang hihigit pa sa iyo sa karunungan at pang-unawa.

40. Ikaw ang pamamahalain ko sa buong bansa, at susundin ka ng lahat. Ang aking trono lamang ang hindi mapapasaiyo.

Genesis 41