Genesis 38:1-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Nang panahong iyon, humiwalay si Juda sa kanyang mga kapatid at nakipanirahan kay Hira na isang Adullamita.

2. Napangasawa niya roon ang anak ni Sua, isang Cananeo.

3. Nagkaanak sila ng tatlong lalaki: Er ang ipinangalan sa panganay,

4. ang pangalawa'y Onan,

5. at Sela naman ang pangatlo. Si Juda ay nasa Kizib nang ipanganak si Sela.

6. Pinapag-asawa ni Juda ang kanyang panganay na si Er at ang napangasawa nito'y si Tamar.

7. Napakasama ng ugali ni Er, kaya't nagalit sa kanya si Yahweh at siya'y pinatay.

8. Kaya't sinabi ni Juda kay Onan, “Tungkulin mong sipingan ang biyuda ng iyong kapatid upang magkaroon siya ng mga anak sa pamamagitan mo.”

Genesis 38