15. Sa kanyang paglalakad, nakita siya ng isang lalaki at tinanong kung anong hinahanap niya.
16. “Hinahanap ko po ang aking mga kapatid na nagpapastol ng aming kawan,” sagot niya. “Saan ko po kaya sila makikita?”
17. Sinabi ng lalaki, “Umalis na sila at ang dinig ko'y sa Dotan pupunta.” Sumunod si Jose at natagpuan nga roon ang mga kapatid.
18. Malayo pa'y natanaw na siya ng mga ito. Nagkaisa silang patayin siya.
19. Sinabi nila, “Ayan na ang mahilig managinip!