23. Ito naman ang mga anak ni Sobal: Alvan, Manahat, Ebal, Zefo at Onam.
24. Ang kay Zibeon naman ay sina Aya at Ana. Si Ana ang siyang nakatuklas ng mainit na bukal sa ilang samantalang inaalagaan ang mga asno ng kanyang ama.
25. Ang mga anak ni Ana ay si Dishon at ang kapatid nitong babae na si Aholibama.
26. Ang mga anak naman ni Dishon ay sina Hemdan, Esban, Itran at Keran.
27. Sina Bilhan, Zaavan at Acan ang mga anak naman ni Ezer.
28. At ang kay Disan ay sina Hus at Aran.
29. Ito ang mga pinuno ng mga Horeo sa lupain ng Seir ayon sa kanilang angkan: Lotan, Sobal, Zibeon, Ana,
30. Dishon, Ezer at Disan.
31. Ito naman ang mga naging hari sa lupain ng Edom bago nagkaroon ng haring Israelita.
32. Si Bela, ang anak ni Beor, ay naghari sa Lunsod ng Dinaba.
33. Pagkamatay niya, pumalit si Jobab na anak ni Zerah, na taga-Bosra.
34. Nang mamatay naman si Jobab, pumalit si Husam na Temaneo.
35. Namatay si Husam, at humalili naman si Hadad, anak ni Bedad na tumalo sa mga Midianita sa lupain ng Moab. Avit ang tawag sa kanyang lunsod.
36. Pagkamatay ni Hadad, siya'y pinalitan ni Samla na taga-Masreca.