1. Ito ang kasaysayan ng lahi na mula kay Esau na tinatawag ding Edom.
2. Ang napangasawa niya ay mga Cananea: si Ada, anak ni Elon na Heteo, si Aholibama, anak ni Ana at apo ni Zibeon na Hivita,
3. at si Basemat na anak naman ni Ismael at kapatid ni Nebayot.
15-16. Ito ang mga pinuno sa lahi ni Esau: Teman, Omar, Zefo at Kenaz, Korah, Gatam at Amalek, mga anak ni Elifaz na kanyang panganay at apo ni Ada. Sila'y naging pinuno sa lupain ng Edom.