Genesis 32:22-27 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

22. Nang gabi ring iyon, gumising si Jacob at itinawid sa Ilog Jabok ang dalawa niyang asawa, labing-isang anak at dalawang asawang-lingkod.

23. Pagkatapos maitawid ang lahat niyang ari-arian,

24. naiwang mag-isa si Jacob.Doon, nakipagbuno sa kanya ang isang lalaki hanggang sa pagbubukang-liwayway.

25. Nang maramdaman ng lalaki na hindi niya madadaig si Jacob, hinampas niya ito sa balakang at ang buto nito'y nalinsad.

26. Sinabi ng lalaki, “Bitiwan mo na ako at magbubukang-liwayway na!”“Hindi kita bibitiwan hangga't hindi mo ako binabasbasan,” wika ni Jacob.

27. Tinanong ng lalaki kung sino siya, at sinabi niyang siya'y si Jacob.

Genesis 32