Genesis 29:10-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Nang makita ni Jacob si Raquel na kasama ang kawan ni Laban, binuksan ni Jacob ang balon at pinainom ang mga tupa.

11. Pagkatapos, nilapitan niya ang dalaga at hinagkan; napaiyak siya sa tuwa.

12. Sinabi niya, “Ako'y pamangkin ng iyong ama, anak ng iyong Tiya Rebeca!”Patakbong umuwi si Raquel at ibinalita ito sa ama.

Genesis 29