Genesis 21:28-31 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

28. Ibinukod ni Abraham ang pitong tupa ng kanyang kawan.

29. “Anong kahulugan nito?” tanong ni Abimelec.

30. Sumagot si Abraham, “Ito'y para sa iyo, bilang pagsang-ayon mo na akin ang balong ito.”

31. Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na Beer-seba, sapagkat doon ay nanumpa sila sa isa't isa.

Genesis 21