Genesis 10:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ito ang kasaysayan ng mga anak ni Noe na sina Shem, Ham at Jafet pagkatapos ng baha.

2. Ang mga anak na lalaki ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras.

3. Sina Askenaz, Rifat at Togarma ang mga anak na lalaki ni Gomer.

4. Ang kay Javan naman ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Rodanim.

Genesis 10