21. Lubos akong naniniwala na gagawin mo ang hinihiling ko sa sulat na ito, at maaaring higit pa rito.
22. Ipaghanda mo rin ako ng matutuluyan sapagkat umaasa akong loloobin ng Diyos na ako'y makabalik diyan, gaya ng inyong idinadalangin.
23. Kinukumusta ka ni Epafras na kasama kong nakabilanggo dahil kay Cristo Jesus.
24. Kinukumusta ka rin nina Marcos, Aristarco, Demas, at Lucas, na mga kasama ko sa gawain.
25. Nawa'y sumainyo ang pagpapala ng ating Panginoong Jesu-Cristo.