17. Kaya't kung kinikilala mo akong tunay na kasama, tanggapin mo siya tulad ng pagtanggap mo sa akin.
18. Kung siya ma'y nagkasala o nagkautang sa iyo, sa akin mo na ito singilin.
19. Akong si Pablo ang siyang sumusulat nito: AKO ANG MAGBABAYAD SA IYO. Hindi ko na dapat banggitin pa na utang mo sa akin ang iyong pagkakilala kay Cristo.
20. Ipinapakiusap ko lamang sa iyo, alang-alang sa Panginoon, hayaan mo namang maranasan ko ang pakinabang na ito. Pasayahin mo naman ako bilang kapatid kay Cristo!