2. Sa angkan ni Finehas ay si Gersom; sa angkan ni Itamar, si Daniel; sa angkan ni David ay si Hatus
3. na anak ni Secanias; sa angkan ni Paros ay si Zacarias at ang mga kasama niyang 150 lalaki;
4. sa angkan ni Pahat-moab ay si Eliehoenai na anak ni Zeraias at ang kasama nilang 200 lalaki;
5. sa angkan ni Zatu ay si Secanias na anak ni Jahaziel at ang kasama nilang 300 lalaki;
6. sa angkan ni Adin ay si Ebed na anak ni Jonatan at ang kasama nilang limampung lalaki;
7. sa angkan ni Elam ay si Isaya na anak ni Atalias at ang kasama nilang pitumpung lalaki;
8. sa angkan ni Sefatias ay si Zebadias na anak ni Micael at ang kasama nilang walumpung lalaki;
9. sa angkan ni Joab ay si Obadias na anak ni Jehiel at ang kasama nilang 218 lalaki;
10. sa angkan ni Bani ay si Selomit na anak ni Josifias at ang kasama nilang 160 lalaki;
11. sa angkan ni Bebai ay si Zacarias na kanyang anak at ang kasama nilang dalawampu't walong lalaki;
12. sa angkan ni Azgad ay si Johanan na anak ni Hacatan at ang kasama nilang 110 lalaki;
13. sa angkan ni Adonikam ay sina Elifelet, Jeuel, at Semarias ang huling dumating, bukod sa kasama nilang animnapung lalaki;