40-42. Ito naman ang listahan ng mga angkan ng Levita: Jeshua at Kadmiel (mula kay Hodavias) 74 Mga mang-aawit (mula kay Asaf) 128 Mga bantay-pinto (mula kina Sallum, Ater, Talmon, Akub, Hatita, at Sobai) 139
43-54. Ang mga manggagawa naman ng Templo na nakabalik mula sa pagkabihag ay ang mga angkan nina: Ziha, Hasufa, Tabaot, Keros, Siaha, Padon, Lebana, Hagaba, Akub, Hagab, Samlai, Hanan, Gidel, Gahar, Reaias, Rezin, Nekoda, Gazam, Uza, Pasea, Besai, Asnah, Meunim, Nefisim, Bakbuk, Hakufa, Harhur, Bazlut, Mehida, Harsa, Barkos, Sisera, Tema, Nezias, at Hatifa.
55-57. Bumalik din mula sa pagkabihag ang mga sumusunod na angkan ng mga lingkod ni Solomon: Sotai, Hasoferet, Peruda, Jaala, Darkon, Gidel, Sefatias, Hatil, Poqueret-hazebaim, at Ami.
58. Ang kabuuang bilang ng mga nagmula sa angkan ng mga manggagawa sa Templo at ng mga lingkod ni Solomon na bumalik mula sa pagkabihag ay 392.
59-60. May 652 na buhat sa mga angkan nina Delaias, Tobias, at Nekoda ang bumalik mula sa mga bayan ng Tel-mela, Tel-harsa, Querub, Adan, at Imer, kahit hindi nila napatunayan na sila'y mga Israelita.