Ezekiel 42:15-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. Matapos sukatin noong tao ang loob ng templo, lumabas kami sa tarangkahan sa gawing silangan at sinukat niya ang labas.

16-19. Ang gawing silangan ay 250 metro, gayon din ang gawing timog, kanluran, at hilaga.

20. Sinukat nga niya ang apat na panig. Napapaligiran ng pader upang mabukod sa karaniwan ang tanging lugar na ito.

Ezekiel 42