Ezekiel 28:18-21 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Dahil sa masamang pamamaraan ng iyong pangangalakal, nasalaula ang Templo at nadumihan. Kaya ipinatupok kita sa apoy. Nilamon ka nga nito at nakita ng lahat na ikaw ay naging abo.

19. Katapusan mo na. Mawawala ka na nang lubusan. Lahat ng bansang nakakakilala sa iyo ay takot na takot na matulad sila sa iyong sinapit.”

20. Sinabi sa akin ni Yahweh,

21. “Ezekiel, anak ng tao, humarap ka sa Sidon at magpahayag laban sa kanya.

Ezekiel 28