Ezekiel 22:13-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. “Ngayon, paparusahan ko kayo dahil sa inyong pagnanakaw at pagpatay.

14. Tingnan ko lang kung matatagalan ninyo ang gagawin ko sa inyo. Akong si Yahweh ang maysabi nito at ito'y gagawin ko.

15. Ipapatapon ko kayo sa lahat ng dako, pangangalatin sa iba't ibang bayan. Sa gayon ko puputulin ang inyong kasamaan.

16. Lalapastanganin kayo ng ibang bansa. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.”

Ezekiel 22