26. Sina Aaron at Moises ang inutusan ni Yahweh na manguna sa Israel upang mailabas sila sa Egipto ayon sa kani-kanilang lipi.
27. Kaya't sinabi nila sa Faraon na palayain ang mga Israelita.
28. Nang si Moises ay kausapin ni Yahweh sa Egipto,
29. ganito ang sinabi sa kanya: “Ako si Yahweh. Sabihin mo sa Faraon, sa hari ng Egipto, ang lahat ng sinabi ko sa iyo.”