Exodo 40:22-26 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

22. Ang mesa ay inilagay niya sa loob ng Toldang Tipanan, sa may gawing hilaga ng tabernakulo, sa labas ng tabing.

23. Tulad ng utos ni Yahweh, ipinatong niya sa mesa ang tinapay na panghandog.

24. Inilagay niya ang ilawan sa loob ng Toldang Tipanan, sa gawing timog ng tabernakulo, sa tapat ng mesa at

25. iniayos ang mga ilaw, tulad ng utos ni Yahweh.

26. Inilagay niya sa loob ng Toldang Tipanan ang altar na ginto, sa harap ng tabing.

Exodo 40