3. Balutin mo rin ng purong ginto ang ibabaw, mga gilid, at ang mga sungay nito.
4. Kabitan ito ng argolyang ginto sa magkabilang gilid, at sa ibaba para pagsuutan ng pampasan
5. na yari sa punong akasya at babalutin din ng ginto.
6. Pagkayari, ilagay ito sa labas ng kurtina ng Kaban ng Tipan at ng Luklukan ng Awa. Dito ko kayo tatagpuin.
7. Tuwing umaga na aayusin ni Aaron ang ilawan, magsusunog siya rito ng insenso.
8. Ganoon din ang gagawin niya kung gabi kapag inihahanda niya ang ilawan. Patuloy ninyo itong gagawin sa lahat ng inyong salinlahi.