Exodo 25:21-24 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

21. Ilalagay mo ito sa ibabaw ng kaban na kinalalagyan ng dalawang tapyas na bato ng kautusang ibibigay ko sa iyo.

22. Doon tayo magtatagpo sa Luklukan ng Awa, sa pagitan ng dalawang kerubin; doon ko ibibigay sa iyo ang kautusan ko sa mga Israelita.

23. “Gagawa ka rin ng isang mesang yari sa akasya na 0.9 metro ang haba, 0.5 metro ang lapad, at 0.7 metro ang taas.

24. Balutan mo ito ng purong ginto at paligiran mo ng muldurang ginto.

Exodo 25