Exodo 25:16-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

16. Ang dalawang tapyas na bato ng kasunduang ibibigay ko sa iyo ay ilalagay mo sa kaban.

17. “Gumawa ka ng Luklukan ng Awa na yari sa purong ginto. Ang haba nito'y 1.1 metro, at 0.7 metro naman ang luwang.

18. Lalagyan mo ng dalawang kerubing ginto ang dalawang dulo nito,

19. tig-isa sa magkabilang dulo. Ihihinang ang mga kerubin upang ito at ang Luklukan ng Awa ay maging iisang piraso.

Exodo 25