Exodo 20:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ang lahat ng ito'y sinabi ng Diyos:

2. “Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin.

3. “Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.

Exodo 20