10. Ngunit sa isang hinga mo Yahweh, sila'y nangalunod,parang tinggang sa malalim na tubig ay nagsilubog.
11. “Ikaw Yahweh, sino sa mga diyos ang iyong kagaya?Sa kabanala'y dakila at kamangha-mangha,sa mga himala'y di mapantayan, sa kababalaghan ay di matularan?
12. Nang iyong iunat ang kanan mong kamay,nilamon ng lupa ang aming mga kaaway.