Exodo 12:8-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Sa gabi ring iyon, lilitsunin ito at kakaining kasama ng tinapay na walang pampaalsa at ng mapapait na gulay.

9. Huwag ninyong kakainin nang hilaw o nilaga ang hayop; kundi lilitsunin ninyo ito nang buo, kasama ang ulo, ang mga pata at ang laman-loob.

10. Huwag kayong magtitira para sa kinabukasan. Kung may matira, kailangang sunugin kinaumagahan.

11. Kapag kakainin na ninyo ito, dapat nakabihis na kayo, nakasandalyas at may hawak na tungkod. Magmadali kayo sa pagkain nito. Ito ang Paskwa ni Yahweh.

Exodo 12