2. Huwag kang pailalim sa kapangyarihan ng sinumang babaehanggang sa ikaw ay lubusang alipinin niya.
3. Huwag kang makikipagtagpo sa asawa ng iba,baka ka masilo sa mga bitag niya.
4. Huwag kang magbabad sa piling ng mga babaing mang-aaliwat baka mahulog ka sa kanilang mga patibong.
5. Huwag kang tingin nang tingin sa isang dalaga,baka ka magkamali at mapagmulta nang dahil sa kanya.
6. Huwag kang magpakahibang sa mga babaing bayaran,kung hindi mo ibig maubos ang iyong kabuhayan.
7. Huwag kang magpalinga-linga sa mga lansangan ng lunsod,o magpagala-gala sa mga sulok na walang tao.
8. Huwag kang titingin sa babaing kaakit-akit,at huwag mong titigan ang ganda ng di mo asawa.Marami na ang napahamak dahil sa kagandahan ng babae,siya ang nagiging dahilan ng matinding pagnanasa.
9. Huwag kang kakaing kasalo ng asawa ng iba,at huwag ka ring makikipag-inuman sa kanya.Baka ka mabighani ng kanyang alindog,at dahil sa pagnanasa ika'y mapahamak.