9. Pag-aralan mo ang turo ng matatanda,sapagkat sila man ay nag-aral din niyon sa kanilang mga magulang.Matututo ka sa kanila ng pang-unawa,at mayroon kang maisasagot kapag kinailangan.
10. Huwag mong pagsiklabin ang galit ng makasalanan,baka ka maramay sa ningas ng kanyang poot.
11. Huwag kang mapipikon sa kabastusan ng isang tao;iyan lamang ang hinihintay niya upang siluin ka sa iyong pangungusap.
12. Huwag kang magpapautang sa mas malakas kaysa sa iyo;at kung nagpautang ka na, ituring mo iyong nawala na.
13. Huwag kang gagarantiya nang higit sa iyong kaya,at kapag ikaw ay gumarantiya, humanda ka sa pagbabayad.
14. Huwag kang makikipag-asunto sa isang hukom,sapagkat alang-alang sa tungkulin niya, tiyak na papapanalunin nila siya.