Ecclesiastico 8:1-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Huwag mong kakalabanin ang makapangyarihan,baka ka mahulog sa kanyang mga kamay.

2. Huwag kang mangangahas lumaban sa mayaman;tiyak na tatalunin ka niya sa pamamagitan ng kanyang kayamanan.Marami na ang nasilaw sa kislap ng ginto;pati ang isipan ng mga hari ay ginugulo ng salapi.

3. Huwag kang makikipagtalo sa madaldal,lalo mo lang gagatungan ang kanyang kadaldalan.

4. Huwag mong pagtatawanan ang taong walang modo,kung hindi mo nais na pati ang mga nuno mo'y laitin niya.

5. Huwag mo nang kagalitan ang taong nagsisisi na;alalahanin mong tayong lahat ay nagkakasala.

6. Huwag mong hahamakin ang isang tao dahil sa kanyang katandaan,sapagkat tatanda rin tayong tulad niya.

Ecclesiastico 8