1. Huwag mong kakalabanin ang makapangyarihan,baka ka mahulog sa kanyang mga kamay.
2. Huwag kang mangangahas lumaban sa mayaman;tiyak na tatalunin ka niya sa pamamagitan ng kanyang kayamanan.Marami na ang nasilaw sa kislap ng ginto;pati ang isipan ng mga hari ay ginugulo ng salapi.
3. Huwag kang makikipagtalo sa madaldal,lalo mo lang gagatungan ang kanyang kadaldalan.